Pahayag na nalathala sa edisyong Marso 17, 2010 ng BusinessWorld, pahina SI/5.
Naniniwala kami na kabiguan sa pamamahala ang pangunahing hadlang sa tuloy-tuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa at sa kakayahan nitong matugunan ang mga pinakamahigpit na pangangailangan ng ating mga kababayan.
Ang kabiguan sa pamamahala – ang kawalan ng abilidad na ipatupad ang pagsunod sa mga inuutos ng batas at ang kakulangan ng tatag ng loob na itaguyod ang mga legal na kahilingan ng mga mamamayan – ay mapapansin sa lahat ng dako at antas ng pamumuhay. Nakikita ito, maliban pa sa maraming iba, sa di-mapigilan at malalaking gawaing tiwali, ang mapangutya at mapansariling pagtatalaga sa mga upisinang pampubliko, ang pagbabale-wala sa titik at diwa ng pamamahalang sumasailalim sa saligang batas, ang kabiguang masupil ang krimen at karahasan ng mga pribadong armadong grupo, at ang bumabalot na kulturang mapagmataas at ng kawalang-pakundangan sa anumang kaparusahan na ipinamamalas ng maraming nasa gubyerno.
Gayumpaman, sa lahat ng mga iyon, ang paglaganap ng pangmalakihang gawaing tiwali pa rin ang nakapagdulot ng pinakamapinsala at abot-layong resultang pang-ekonomiya. Inubos ng korapsiyon ang kakayaha’t lakas ng pamahalaang makakolekta ng tamang mga buwis, mga prangkisa, at “royalties” (bahaging tubo mula sa pagkuha o paggamit ng mga likhang-yaman ng bansa). Sinira nito ang prayoridad sa paggagastos ng pamahalaan, pinilipit ang mga batas at mga kapasyahang pang-reglamento upang mapaboran ang ilang may espesyal na interes, at nagkaloob ng pribilehiyo sa mga di-karapat-dapat subalit may malakas na kapit. Ang naging resulta, ni ang pamahalaan o pribadong mga negosyo ay hindi namuhunan nang sapat na halaga sa mga imprastukturang pisikal, sa pananaliksik, sa edukasyon, at sa pangangalaga sa kalusugan nang sa gayon, ang mga iyo’y makalikha sana ng maraming trabaho at mabawasan ang bilang ng mga naghihirap. Bigo ang gubyerno na mamuhunan dahil sa kakulangan ng yaman at katatagang-loob. Ang mga pribadong negosyo – dayuhan at Filipino – ay hindi naggugol ng kapital sapagkat wala silang tiwala na ang mga patakaran ay malalapat nang patas at sa paraang inaasahan ng lahat.
Matamlay na paglago, laganap na karalitaan, malaking pampublikong utang, at mapangutyang kaisipan sa panig ng mga mamamayan, ay mapapait na bunga ng bigong pamamahala at ng pinahinang mga institusyon.
Ang panawagan sa pagtatatag ng mas matayog na panuntunan kaugnay sa etika (o paninilbihang) pampubliko, kung gayon, ay hindi lamang isang di-mahipong isip-asal na kinatigan; ito ay isang matinding kailangang gawain upang maseguro ang kaligtasan at pag-unlad [ng bayan].
Ang halalan nitong taon para sa magiging pangulo ng bansa ay maaaring maging natatanging sandali na huhubog sa ating kasaysayan, sa ating ekonomiya, at sa araw-araw nating pamumuhay kung sana man lang, ang ating mga mamamayan ay magtitipon upang suportahan ang isang programang maglilinis at magtatanggal sa maraming taon ng katiwalian, mapag-aksayang paggastos, pagpapadrino, at maling pangangasiwa sa ilalim ng isang administrasyong walang ipinamalas kundi ang pagwawalang-bahala sa gayong mga tiwaling gawain.
Kami’y naniniwala na sa lahat ng mga kandidato sa pagkapangulo, si Senador Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III ang kumakatawan ng pinakamainam na pag-asa para sa minimithing pagbabago. Higit sa pawang mga pananalita lamang, ang kanyang pagkatao at talaan ng mga nagawa ay naghahayag ng matatag na paglalaan tungo sa epektibo, tapat, at may-pananagutang liderato. Naglalaan siya upang positibong mabago ang ating pagtingin at pakikipag-ugnayan sa pamahalaan. Mula sa paglilikha ng maraming trabaho hanggang sa pagpapaliit ng puwang na humahati sa mga mayayaman at mahihirap; mula sa pag-aalaga sa kapakanan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bayan hanggang sa pag-aangat ng balangkas ng bansa bilang mahalagang lugar na mapaglalagyan ng buong mundo ng puhunan; mula sa pagkakamit ng tuloy-tuloy na kapayapaan hanggang sa matatag na pagpapatupad ng batas, ang pangarap ni Senador Aquino ukol sa pamamahalang nakabatay sa mga etikal na panuntunan, ang matatag at patas na paglalapat ng batas, at pagiging laging handa na tumugon sa pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan ang siya na ngang sadyang kailangang-kailangan ngayon ng ating katawang-pulitika at ekonomiya.
Panahon na na ang Pilipinas ay magkaroon muli ng pinunong kumakatawan sa diwa ng kabayanihan at katapatan na salo-salong taglay nating mga Pilipino. Kumbinsido kaming si Sen. Noynoy Aquino ang pinunong iyon.
Ang pahayag sa itaas ay mula sa Pangkat Para sa Mga Usaping Pang-Ekonomiya ni Noynoy Aquino. Ang mga lumalagda rito ay sila:
• Michael Alba, former dean, College of Economics and Business, De La Salle University (michael.alba@gmail.com).• Fernando Aldaba, former chairperson, Department of Economics, Ateneo de Manila University (naldaba@gmail.com).
• Filomeno Sta. Ana III, coordinator, Action for Economic Reforms ( filomenoiii@yahoo.com).
Mga Ekonomistang Sumusuporta sa Pahayag (NCR):
1. Cayetano Paderanga Ph.D.
2. Raul Fabella Ph.D.
3. Myrna Austria Ph.D.
4. Edita Tan Ph.D.
5. Vicente Paqueo Ph.D.
6. Teresa Jayme-Ho Ph.D.
7. Germelino Bautista Ph.D.
8. Ma. Socorro Gochoco-Bautista Ph.D.
9. Gilberto Llanto Ph.D.
10. Erlinda Medalla Ph.D.
11. Gwedolyn Tecson Ph.D.
12. Ernesto Pernia Ph.D.
13. Leonardo Lanzona Jr. Ph.D.
14. Fidelina Natividad Carlos Ph.D.
15. Carlos Bautista Ph.D.
16. Edsel Beja, Jr. Ph.D.
17. Emmanuel Esguerra Ph. D
18. Ruperto Majuca Ph.D.
19. Melanie Milo Ph.D.
20. Jose Ramon Albert Ph.D.
21. Rhoelano Briones Ph.D.
22. Rafaelita M. Aldaba Ph.D.
23. Rosalina Tan Ph.D.
24. Danilo Israel Ph.D.
25. Rouselle Lavado Ph.D.
26. Gerardo Largoza Ph.D.
27. Stella Quimbo Ph.D.
28. Ma. Joy Abrenica Ph.D.
29. Eduardo Gonzalez Ph.D.
30. Danilo Venida
31. Allan Borreo
32. Alexander Narciso
33. Meldin Al. G. Roy
34. Jessica Reyes-Cantos
35. Joseph Francia
36. Emilio Neri Jr.
37. Cristina Bautista
38. Philip Arnold Tuano
39. Romelia Neri
40. Reuel Hermoso
41. Joselito Sescon
42. Marilou Perez
43. Paulo Jose Mutuc
44. Sarah Grace See
45. Ramon Fernan III
46. Ernest Leung
Comments